Wednesday, August 6, 2008

Panawagan sa lahat

PANAWAGAN SA LAHAT

Isang maligayang pagbati sa inyong lahat - kayong kasalukuyang nagbabasa ng dalawang manifesto sa website na ito.

Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga pangyayari ngayon sa AMA Makati. Isang guro ng College of Business Administration and Accountancy ang tinanggal ng management na hindi man lang dumaan sa tamang proseso at kung saan ang mga datos ay minanipula ng iilang ganid na mga opisyal ng kolehiyo. Hindi ito ang unang pangyayari sa AMA kung saan, matapos pagtrabahuin ang mga instructors ay kanilang tatanggalin at ni isang kusing ay walang makukuha. Isa itong malaking paglabag sa karapatan ng mga guro na tumanggap ng sahod sa pinagpaguran nila.

Nakalulungkot isipin na ang katulad ni Mr. Alonzo ay hinayaang mawala sa AMA Makati. Hindi ba sila naaawa sa mga estudyante na unang-unang pundasyon ng eskwelahan? Hanggang ngayon ay wala pa din silang teachers sa mga naiwang subjects ni Mr. Alonzo. Patapos na ang finals at tila magiging isang panaginip na lang ang lahat.

Nanawagan kami sa lahat ng mga estudyante, guro at mga empleyado ng AMA Makati na magtulungan para sa ikabubuti ng kolehiyo. Panahon na para gumising tayo sa mahimbing na pagkakatulog. May magagawa pa tayo.

Kay butihing pangulo ng AMA Education System na si Dr. Amable C. Aquiluz, nananawagan po kami na maisaayos ang problemang ito sa AMA Makati. Naniniwala po kami na kayo lamang ang makakatulong para maresolba ang krisis na to. Wala na po kaming tiwala sa School Director dito na si Ms. Marietta Sicat. IT IS TIME FOR HER TO STEP DOWN FROM HER POSITION - RESIGN!

Sa lahat, naniniwala kami na may pag-asa pa. Tulong-tulong po tayo para sa ikabubuti ng AMA Makati. Mabuhay!



No comments: